TOP SUSPEK SA KASO NG PAGWALA NI CATHERINE CAMILON NAARESTO NG BALAYAN POLICE By : Rommel Madrigal

TOP SUSPEK SA KASO NG PAGWALA NI CATHERINE CAMILON NAARESTO NG BALAYAN POLICE 

By : Rommel Madrigal

BATANGAS-Matagumpay na nahuli ng mga tauhan ng Balayan Municipal Police ang dalawang indibidwal, na suspek sa pagkawala ng dating beauty queen na si Catherine Camilon at tinanghal bilang Number 1 Most Wanted Person Regional Level, sa Brgy. Caloocan, Balayan, Batangas.

Ang operasyon ng pulisya ay isinagawa sa ilalim ng direktiba ng PRO 4A Regional Director, Pbgen Paul Kenneth T Lucas, at sa ilalim ng pangangasiwa ni Acting Provincial Director, Pcol Jacinto R Malinao, Jr, na nag-utos sa paglikha ng Special Intelligence and Tracker Team (SITT) sa pagpapalabas ng Warrant of Arrest, para sa agarang pagdakip sa mga suspek na sangkot sa pagkawala ni Camilon.

Bilang background, ang mga naarestong indibidwal, na kinilalang si Jeffrey Ariola Magpantay a.k.a. Jepoy, 34-na taong gulang, ng Brgy. San Roque, Rosario, Batangas, at Allan Avena De Castro a.k.a Allan, 40-taong gulang ng Brgy. Tuyon-tuyon, Tuy, Batangas, na pangunahing suspek sa pagkawala ng dating beauty queen na si Catherine Camilon, na huling nakita noong Oktubre 12, 2023. 

Kusang-loob silang sumuko sa mga awtoridad matapos ang pormal na pagsasampa ng kaso laban sa kanila noong Nobyembre 13,2023; gayunpaman, pinalaya sila nang i-dismiss ng Regional Prosecutor's Office ang kaso dahil sa hindi sapat na ebidensya.

Isang motion for reconsideration ang inihain noong Mayo 23, taong kasalukuyan, na pagkatapos ay ipinagkaloob noong Agosto 15, 2024. Ang nasabing motion for reconsideration ay inaprubahan ni Hon. Dulce M Ricafort-Fuller, Deputy City Prosecutor, Office of the Regional Prosecutor IV, San Pablo, Laguna. 

Pagkatapos nito, isang Warrant of Arrest para sa krimen ng Kidnapping at Serious Illegal Detention (Art. 267 ng RPC) na sinusugan ng RA 18 at RA 1084, na inisyu noong Setyembre 4, 2024, ni Hon. Jacqueline Hernandez Balmes ng RTC Branch 3, Batangas City, na walang Piyansa ang inirekomenda kaya inilalagay ang mga suspek bilang Number 1 Most Wanted Persons sa rehiyon ng CALABARZON.

Na kamakalawa ay nahuli ang mga suspek sa isang man-hunt operation sa Brgy. Caloocan, Balayan, Batangas. Binigyang-diin ni Regional Director PBGEN LUCAS ang kahalagahan ng pag-aresto na ito, na nagsasabing, "Ang tagumpay na ito ay naglalapit sa isang malaking tagumpay sa paghahanap ng katotohanan, na humahantong sa paglutas ng kaso ni Camilon."

Samantala, ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng Balayan MPS para sa kaukulang disposisyon ng kaso, habang ang kopya ng kanilang Warrant of Arrest ay ibinalik sa RTC Branch 3, Batangas City.

Post a Comment

0 Comments