By : Felix Tambongco
PANSAMANTALANG inilipat ng Pasig City Government ang operasyon ng lokal na pamahalaan sa temporary City Hall upang bigyang daan ang development ng bagong city hall building.
Sa statement ni Pasig City Mayor Vico Sotto, nag-umpisa noong Lunes September 16 ang operasyon sa temporary city hall para sa mga selected transaction.
Unti-unti umano ang ginagawang paglilipat sa temporary city hall.
Kabilang sa services na inilipat sa temporary city hall ay ang business one-stop shop at real property tax-related transactions tulad ng assessment at payment.
Ang ibang mga serbisyo ay nananatili sa Pasig City Hall compound at sa Dalawang annex ng city hall.
Aminado si Sotto na ang paglilipat sa pansamantalang city hall ay magdudulot ng inconvenience sa publiko at city hall employees, subalit bahagi umano ito ng development at umaasa siya na maunawaan ito ng publiko.
Idinagdag pa ng alkalde na ang konstruksyon ng bagong city hall building ay isasagawa matapos na patunayan ng mga building official na hindi na safe gamitin ang lumang city hall building.
Samantala, balot pa rin ng kontrobersya ang presyo ng gagawing bagong gusali dahil sa presyo nito na umaabot sa P9.6 Bilyon. (FELIX TAMBONGCO)
0 Comments