Naniniwala si National Security Adviser Sec. Eduardo Año na posilbe umanong tuluyan ng mabuwag ngayong taon ang nanghihina nang guerilla o New People's Army.
Anya pa, mula sa 7 ay bumaba umano ito sa 5 ang bilang ng "weakend" guerilla front ng bandidong NPA.
Dagdag nito, ang pagsugpo sa armadong CPP-NPA ay hindi nangangahulugan na tapos na Ang laban.
Kailangan pa rin umanong tutukan ang pag-iwas sa recruitment at patuloy na isulong ang dayalogo at konsultasyon sa iba't-ibang sektor.
Sa pinakahuling tala ng AFP, umabot na sa halos 1, 400 ang bilang ng mga miyembro at taga suporta ng Communist Terrorist Group ang napatay at sumuko sa pamahalaan.
(EDWIN MORENO)
==
0 Comments