By : Kevin Pamatmat
Naidaos ang matagumpay at ika-6 na Medical at Dental Mission na isinagawa sa pamamagitan ni Congressman Loreto "Amben" S. Amante sa bahagi ng ikatlong distrito ng Laguna.
Ginanap ito sa Plaridel Elementary School Brgy.Banago , Nagcarlan Laguna, na naisagawa ito sa tulong ni Cong Amante , House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Mayor Elmor V. Vita at Nagcarlan LGU.
Mahigit kumulang naman na 2,600 na residente ng bayan ng ito ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal at dental tulad ng bunot ng ngipin, fluoride treatment, x-ray, non-fasting laboratories at mga gamot.
Ayon kay Cong.Amante nagsasagawa sila ng programa kasama si Mayor Elmor Vita, kaugnay sa malakihang Medical at Dental Mission na kung saan dito ay pinasalamatan si Pangulong Bongbong Marcos, at House Speaker Martin Romualdez at sa Principal ng Plaridel Elementary School Mrs .Mylen D. Callos.
0 Comments