PAGBALIK SA BANSA NI DISMISED BAMBAN, TARLAC MAYOR ALICE GOU NAGING MATAGUMPAY! By : Jong Manlapas
Ayon kay Bureau of Imgmigration (BI) Commissioner Norman Tansingco dumating si Guo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) tinatayang 1:30 kaninang madaling araw sakay ng special government flight.
Ang kanyang pagbabalik ay hudyat ng isang matagumpay na operation ng Philippine immigration authorities sa Jakarta, sa pakikiisa ng counterparts nito sa Indonesia.
Sinabi pa ni BI Commissiner Tansingco, ang pagkakahuli kay Guo ay isang tagumpay sa justice system ng bansa, sa pakikipagtulungan na rin ng International Counterpart at law enforcement agencies.
Ayon pa kay Tansingco na ang legal cutody ni Guo ay mananatili sa kustudiya ng BI, pero ang physical custody ay nasa pangangalaga ng PNP.
Kinumpirma rin ni Tansingco na sasailalim sa medical checks up si Guo kasunod ng pagharap nito sa inquest proceedings.
0 Comments