Dahil sa pananalasa ng "bagyong Enteng"
kumilos na ang Office of Civil Defense-National Disaster Resk Reduction Management Council, upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko dulot ng nararanasang tropical storm sa BANSA.
Ito ang inihayag ni OCD Administrator, Uder Sec. Ariel Nepomuceno matapos ang isinagawa nilang Pre-Disaster Risk Assessment Meeting kahapon
Sa isinagawang pagpupulong, itinaas na ang RED alert status sa lahat ng mga lugar na nakataas ang babala ng bagyo bilang 1 dahil malaki ang posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa pag-ulang dala ng habagat
Batay kasi sa abiso ng PAGASA, paiigtingin ng bagyong Enteng ang hanging habagat habang binabagtas nito ang direksyong pa-hilagang kanluran
Dahil dito, pinagana na ng OCD ang kanilang mga protocol sa paghahanda gayundin sa pagtugon sa epektong dulot ng bagyo na siyang gagawin ng mga Lokal na Pamahalaan
Sa kaugnay na balita, itinaas na ng lokal na pamahalaan ng San Mateo Rizal sa alert level 2 o ikalawang alarma ang Batasan bridge.
0 Comments