THAI NATIONAL, SWA'K SA P20.7M HALAGA NG KUSH SA NAIA!
SWA'K ang 40-anyos na babaeng Thai national ng tangkang ipuslit ang 20.7 milyong pisong halaga ng marijuana Kush sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon.

Sa ulat ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director Police Brig. General Eleazar Matta, nahuli ang suspek sa controlled delivery operation sa International Arrival Area ng NAIA Terminal 3 na ikinasa ng Ninoy Aquino International Airport Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) kung saan miyembro ang PDEG.
Narekober sa suspek ang 14.8 kilo ng marijuana Kush na nakalagay sa mga plastic bag.
Ang arestadong suspek at narekober na ebidensya ay dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa dokumentasyon.
Binati ni Bgen. Matta ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at sinabing ang kanilang dedikasyon sa trabaho ay nagsisilbing “deterrent” sa mga nagtatangkang kumita sa pamamagitan ng ilegal na aktibidad.
Sa ulat ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Director Police Brig. General Eleazar Matta, nahuli ang suspek sa controlled delivery operation sa International Arrival Area ng NAIA Terminal 3 na ikinasa ng Ninoy Aquino International Airport Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) kung saan miyembro ang PDEG.
Narekober sa suspek ang 14.8 kilo ng marijuana Kush na nakalagay sa mga plastic bag.
Ang arestadong suspek at narekober na ebidensya ay dinala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa dokumentasyon.
Binati ni Bgen. Matta ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at sinabing ang kanilang dedikasyon sa trabaho ay nagsisilbing “deterrent” sa mga nagtatangkang kumita sa pamamagitan ng ilegal na aktibidad.(EDWIN MORENO)
0 Comments