PHIL. ARMY, NAKAKOLEKTA NG 6.2K NG BLOOD BAG! By : Edwin Moreno



PHIL. ARMY, NAKAKOLEKTA NG 6.2K NG BLOOD BAG!


Umaabot sa 6,215 "bloodbag" na blood-donation drive ng Phil. Army na isinagawa sa 171 donation center sa pagdiriwang ng Heroes Day sa buong bansa.

Pinangunahan ni Phil. Army Chief Gen. Roy Galido, ang aktibidad ng "Dugo ko, Dugo Namin Alay ng Hukbong Katihan sa Sambayanang Pilipino" sa tulong ng iba't -ibang ospital at organisayon.


Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, 3 buhay ang posibleng mailigtas ng bawat isang blood bag.

Layon anya, ng aktibidad na makalikom ng dugo para sa blood-reserve ng hukbo at ng bansa sa panahon ng emergency.


Batay sa ulat, 70-porseyento ng nalikom na dugo ay parà sa mga pangangailangan ng publiko at 30-porseyento para sa mga sundalo ng bansa.

Post a Comment

0 Comments