NAVOTAS CITY REP. TOBY TIANGCO, PINASALAMATAN SI PBBM SA TULONG NITO SA NAVOTAS FISHERFOLKS.By : Jimmy Mahusay

NAVOTAS CITY REP. TOBY TIANGCO, PINASALAMATAN SI PBBM SA TULONG NITO SA NAVOTAS FISHERFOLKS.

By : Jimmy Mahusay


NAGPAABOT ng pasasalamat si Navotas City Representative Toby Tiangco kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa pagbisita sa lungsod at pagbibigay ng tulong pinansyal sa 3,682 mangingisda sa Lungsod. 

Ayon kay Tiangco, ikinatuwa ng mga mangingisda at pamahalaang local ng Navotas ang personal na pagbisita ng Pangulong Marcos para personal na maghatid ng tulong sa mga mangingisdang benepisyaryo.

Dagdag pa ng mambabatas saksi aniya mga Navoteño na sa dalawang taon pa lamang ng administrasyong Marcos, napakarami na ng naipaabot niyang tulong sa mga nabotenyo, Mula sa dagdag pondo para sa mga medical assistance, AICS, TUPAD at ang bagong programang AKAP, mas malawak ang naaabot ng mga programa ng pamahalaan sa pamumuno ni Pangulong Bongbong.

Ibinahagi ng solon na ang 3,682 fisherfolk beneficiaries ay nakatakdang makatanggap ng P5,000 na cash assistance ngunit ito ay itinaas sa P7,500 na inihayag ng pangulong Marcos sa kanyang mga pahayag.

Ipinunto rin ng mambabatas na bagama't hindi direktang naapektuhan ang Navotas ng oil spill incident sa Bataan, kinailangang labanan ng mga mangingisda nabotenyo ang mababang presyo ng farmgate. Malaki ang maitutulong ng cash assistance na ibinigay ng Pangulo sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang mga pamilya

Bago ang pagbisita ng Pangulo, inihayag ni Tiangco na 2,368 rehistradong PWDs ang tatanggap ng tulong sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program bilang pagdiriwang ng kaarawan ng Pangulo.

Sa ngayon, aabot na sa 10,282 ang nabigyan ng cash assistance dahil sa programang ito simula noong Mayo pa lamang.

Nakatanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kabuuang P43.415M na tulong mula sa Tanggapan ng Pangulo sa kanyang pagbisita, gayundin ang 10 kilong bigas mula kay Speaker Martin Romualdez para sa lahat ng dumalo sa kaganapan. 

Mensahe ng solon, patuloy nitong sinusuportahan ang Pangulo sa kanyang bisyon ng Bagong Pilipinas, dahil nakikita niya ang makabuluhang pag-abot ng kanyang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan, gayundin ang mas malakas, makabuluhan, at tumutugon na mga programa na tunay na makapagpapaangat sa buhay ng mga pilipino sa buong bansa. (Jimmy Mahusay)

Post a Comment

0 Comments