MS ROTC 2024 NA GINANAP SA TAGAYTAY CITY NA SINUPORTAHAN NI SEN TOLENTINO NAGING MATAGUMPAY
Nagpakita ng kani-kanilang mga talento ang labing pitong (17) natatanging babaeng kadete mula sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad sa buong bansa na naglaban para sa prestihiyosong Miss ROTC 2024 nitong August 17, 2024 sa Tagaytay City.
Ayon kay Senate Majority Leader Senator Francis "Tol" Tolentino, "Sana ay maging ehemplo sa iba pang mga kabataan ang mga kadeteng kalahok sa Ms ROTC." Wika ni Tolentino.
Pinasalamatan din niya ang lahat ng dumalo, kabilang ang mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa hanay ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force at mga lokal na opisyal ng Tagaytay City.
Bagong tampok ngayong taon sa national finals ang People's Choice Award, kung saan maaaring bumoto ang mga netizen, pati na rin ang mga pamilya, kaibigan, kaklase, at mga kababayan ng mga kandidata sa pamamagitan ng social media.
Nabatid na ikalawang taon na ito, tampok sa Miss ROTC national finals ang mga kadete mula sa tatlong major services—Army, Navy, at Air Force. Ang mga kalahok ay mga nagwagi mula sa regional qualifiers na ginanap sa Bacolod City (Visayas), Zamboanga City (Mindanao), at Cavite (Luzon).
Sa pagtatapos ng kumpitensya ng binibining ROTC 2024 ay nasungkit at nagwagi si Althessa E. Petitico ng De La Salle University Manila ng Navy ang korona ngayong taon. (ROMMEL MADRIGAL)
0 Comments