PAGGUNITA SA IKA-282 ANIBERSARYO NG NG LUNGSOD CALAMBA IPINAGDIWANG SA PAMUMUNO NI CALAMBA CITY MAYOR HON. ROSS RIZAL. By : Christopher Hedreyda
Masayang ipinagdiwang ng pamahalaang lungsod ng Calamba kasama ang apat naput pitong mga barangay officials at division heads ang ika-282 taong anibersaryo ng pagkakakatatag ng Calamba bilang isang sariling bayan nitong Agosto 28, Miyerkules, sa pamamagitan ng pagu-ulat sa bayan ni Mayor Roseller "Ross" H. Rizal.
Sa pag prisenta ng kanyang State of the City Address, iniulat ni Rizal ang mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon sa loob ng higit dalawang taong panunungkulan.
Inihayag niya ang mga proyekto at inisyatibo sa kalusugan, nutrisyon, imprastraktura, pagne-negosyo, kalikasan, government efficiency, peace and order, disaster resilience, social services, at iba pa.
Inilahad din ng Alkalde ang kanyang buong suporta sa mga napagtagumpayang ordinansa at mga prayoridad na programa ng Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Angelito Lazaro Jr.
Ayon kay Rizal, ang lahat ng mga proyekto at serbisyo ng pamahalaang lungsod ay masusing pinaga-aralan at ipinapatupad para sa kapakinabangan at ikabubuti ng lahat.
Sumasalamin rito ang mga pagkilala at rekognisyon na natanggap ng lungsod sa mga nagdaang buwan, gaya na lamang ng pagiging 6th Most Competitive Component City sa buong bansa batay sa 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index, Gawad Kalasag Seal of Excellence Award, at marami pang ibang parangal para sa iba’t ibang larangan.
Dumalo sa pagtitipon sina Rep. Charisse Ann Hernandez-Alcantara, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga Barangay Kapitan at mga kagawad, mga opisyal ng pamahalaang lungsod, national government agencies, at civil society organizations.
Ang Calamba ay dating parte ng bayan ng Tabuco (ngayo’y Cabuyao) at pormal na naging hiwalay na bayan noong Agosto 28, 1742
0 Comments