4TH DISTRICT KKDAT ADVOCACY SESSION, ISINAGAWA SA KALAYAAN, LAGUNA, NA PINAMUNUAN NI LPPD PLTCOL MEL UNOS By : Rommel Madrigal
IDINAOS ng Laguna Police Provincial Office sa pangunguna ni Acting Provincial Director, Pcol Gauvin Mel Y Unos ang Kabataan Kontra Droga At Terorismo o KKDAT Advocacy Session sa bayan ng Kalayaan, Laguna ngayon, Agosto 28, 2024.
Isa sa mga naging diin ng aktibidad ay ang pagpapatupad ng EO# 70 at kampanya laban sa illegal na droga upang matulungan ang mga kabataan na mapatatag ang kanilang adbokasiya laban sa illegal na droga at terorismo.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga KKDAT Officers at SK Federation Presidents mula sa ika-4 na Distrito ng Laguna.
Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe ay sina Ms. Maricar A. Palacol, KKDAT Provincial Adviser Municipal Mayor, Hon. Sandy P. Laganapan na inirepresenta ni Mr. Herben C. Dela Paz, Local Youth Development Officer of Kalayaan, Ms. Ma. Aurora A. Robles ng DILG Kalayaan at Hon. Ryan Paul S. Agana, SK Federation President.
0 Comments