PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, UMAPELA.NA SA.PAMAHALAANG NASYUNAL AT NIA ANG AGARANG PAGPAPALIT NG 'STANDARIZED' MATERIALS ANG RUBBER GATES NG BUSTOS DAM.
By : Jimmy Mahusay
UMAPELA na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Pamahalaang Nasyunal at National Irrigation Administration (NIA) na agarang aksyunan na at mapalitan ang rubber gate ng Bustos Dam matapos na masira ang isa sa mga gate nito kamakailan.
Prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang buhay ng mga Bulakenyo kaya ganoon na lamang ang panawagan ng.mga opisyal sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando.
Ang gate 3 ng nasabing Dam, na pinangasiwaan din ng NIA, ay nasira dahil sa matinding init nitong ika-1 ng Mayo, matatandaan din noong 2020 na nasira na.ang ikalimang gate nito, na agad namang iniimbistigahan ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman at Gobernador Daniel R. Fernando at ipinag-utos sa NIA na i-test ang.mga materyales na kalaunan ay napatunayang substandard.
Sa natitirang limang rubber gates na maaaring mapuruhan sa paparating na panahon ng tag-ulan, ikinababahala ni Fernando ang nakaambang panganib para sa probinsya lalo na kung hindi agad aniya kikilos ang NIA at mag-invest sa standardised na materyales.
Hinimok din ng Gobernador ang ahensya ng hindi lang isa, kundi lahat ng rubber gate ay mapalitan na upang matiyak upang matiyak ang kaligtasan ng buong Lalawigan. " sa ating National government, sa ating NIA, please lang po, nakikiusap po kami, pakinggan nyo po sana, huwag po tayong kumilos nang babagal-bagal dahil ang pinakamahalaga po rito ay yong aksyon agad, nakabingit diyan aniya ang milyon-milyong Bulakenyo pag nagkataong pumutok lahat yan.
Dagdag din ni Vice Gov. Alexis C. Castro na kung walang magiging agarang solusyon para dito, maaaring maapektuhan ang mga bulakenyo sa posibilidad ng pagbaha.
Pinaalalahanan naman ng PDRRMO ang mga residente na ang nasirang gate sa Dam ay isang maliit na labasan lamang, kaya hindi ito maglalabas ng maraming tubig papunta sa mga kailugan.
Ang gate 3 ay isang maliit lamang na bukasan at ang mababawas lamang na lebel ng tubig ay 2.38 mts, ang rubber gate ay about 5 mts. Wide lang kumpara sa about 25-30 mts wide ng Anggat River, ang ibig sabihin ito ay maliit lang sa bukasan ng tubig na tatapon sa maluwag na ilog. Ayon sa PDRRMO.
0 Comments