By : Jimmy.Mahusay
HINDI alintana ang malakas na buhos ng ulan ng mga residente sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pandi, hindi sila napigil para makiisa sa Pamilya ko Partylist sa kanilang huling kampanya sa lalawigan ng Bulacan.
Nasa higit isang 1,000 residente ang dumalo at naki-isa sa programa ng grupo na nag-aalok ng serbisyong may malasakit sa Pamilyang Filipino sa pamamagitan ng Pamilya Ko Partylist”
Ayon kay 1st nominee Atty, Anel Diaz, ang pamilya ko ay para sa pamilyang filipino, kabilang dito ang pamilyang nagsasama sa iisang bubong, tulad ng Kasal, mag-Live-in Partners, Solo Parent, OFWs, Senior Citizen, PWDs at LGBTQIA+.
Aniya, ang no.150 sa Balota na Pamilya Ko Partylist ang magiging kasangga, ng mga pamilyang nasa mga kanayunan na higit na mas nangangailangan ng pagkalinga.
Nilinaw ni Atty Anel, na syang unang kinatawan, ng partido, na ang anyo ng magandang pamumuhay ay nakasalalay sa bawat isang pamilyang naghahanap ng totoo at tunay na masisilungan sa panahon ng kagipitan.
Bitbit rin ng Pamilya Ko Partylist ang mga proyektong pangkabuhayan, o livelihood para mas masaganang kinabukasan pamilyang Filipino sa Bansa, katuwang ang Pamilya ko Foundation.
Naniniwala si Diaz na may puwang ang partido ng Pamilya Ko party sa pangangailangan ng mga residente sa class A Municipality sa bayan ng Pandi.
Sa kasalukuyan, nasa 12 lalawigan na ang kanilang napuntahan, mula sa Cebu, Tawi-Tawi, NCR, Bacolod, Bataan, Batangas,Cavite,General Santos City, Iloilo, Manaoag Pangasinan, Dumaguete, Manila, Lucena, Negros, Rizal at Bulacan.
Nitong pinakahuling survey ng Octa Research pumalo sa 12 rank ang Pamilya ko Partylist dahil sa tiwala ng publiko sa kanilang mga isinusulong na adbokasiya sakaling maupo sa kongreso. (JIMMY MAHUSAY)
0 Comments