PANUNUYA SA BULNERABLENG SEKTOR, HINDI DAPAT MAGING BAHAGI NG DISKURSO SA ELEKSYON, AYON KAY SEC GATCHALIAN.
“Walang tao, kahit sino man, kandidato o hindi kandidato, na gawing biro ang pagdurusa ng kapwa tao lalung-lalo na pag galing sa bulnerableng sektor, yung mga persons with disabilities, solo parents, at matatanda.” Ito ang binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian.
Ang pahayag ng DSWD chief ay bunsod ng insidente ng pagbibiro ng isang lokal na kandidato sa mga solo parent sa Isang campaign sortie.
Ayon sa kalihim, ang fiskursi sa eleksyon ay dapat nakapokus sa paglilingkod sa publiko at hindi gawing katatawanan ang kahit sino na naghihirap..
“Ang eleksyon tungkol sa ano pa ba ang magagawa mo sa taong bayan, ano ang serbisyong handog mo. Hindi ito tungkol sa biro-biro lalong-lalo na pag pinagbibiruan mo ay yung mga may mga dagok na sa buhay,” ayon Kay Secretary Gatchalian.
Ang ahensya umano ay nakatuon sa mandato na itaguyod ang social protection at kaigihan ng vulnerable sectors.
“Ang DSWD, para sa kaalaman ng lahat, there’s more to us than AICS, than AKAP, and 4Ps. Social protection ang aming mandato, protecting the poor, yung mga mahihirap, yung marginalized, at yung vulnerable…bahagi iyan ng social protection. Dapat namin i-condemn yan at siguraduhin na gawin ang trabaho para huwag nang maulit,” ayon pa kay Gatchalian.
0 Comments