By : Rommel Madrigal
Sa talumpati ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr., na binibigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at hinihimok ang mga taga-suporta na iboto ang kanilang "11 kaalyado" sa Senado sa darating na halalan sa Mayo 12.
“Magkaisa tayo sa Alyansa, at huwag nating gawing Alyansa lamang nitong 11 na tao, 11 na kandidato na tumatakbo bilang Senador na kasama sa Alyansa,” anang Pangulo.
Sa matagumpay na event ay pinasalamatan ni Pangulong Marcos Jr. si Santa Rosa City Mayor Arlene Arcillas sa buong-suportang ipinakita para sa kanilang alyansa.
Dito ay nagpakita rin ng suporta sina San Pedro Lone District Representative Hon. Ann Matibag, kasama si Usec Atty. Melvin Matibag, San Pedro City Mayor Hon. Art Mercado, Laguna Vice Governor, Atty. Karen Agapay at Board Mamber, mga mayor at
Bago isinagawa ang rally ay nagsagawa rin ng press conference ang ilang miyembro ng alyansa, kabilang sina dating DILG Secretary Benhur Abalos, Senator Francis Tolentino, Makati Mayor Abby Binay, Congressman Erwin Tulfo, at dating mga senador na sina Ping Lacson at Tito Sotto.
Sa naturang media briefing, nagbahagi sila ng kanilang mga pananaw at sagot sa mga katanungan ng mga mamamahayag hinggil sa kanilang mga plano at adbokasiya, na kanilang isasagawa kung sakali at silay mag tagumpay na maihalal at mananalo sa darating na halkalan, ngayong Mayo 12 taong kasalukuyan. (ROMMEL MADRIGAL)
0 Comments