VALENZUELANO’S, BINISITA NI SEN. “TOL” TOLENTINO, AT NAMIGAY NG TULONG SA PWD, SENIOR CITIZEN AT KWALIPIKADONG RESIDENTE NG VALENZUELA.
By : Jimmy Mahusay
Ayon kay Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian nasa 1,200 angang nabiyayaan ng (AICS) o ang Assistance to Individuals/in Crisis Situation ito ay sa ilalim parin ng tuloy-tuloy na programa ng butihing Senador kung saan kabilang sa mga nakinabang ang mga PWD, Senior Citizen at mga kwalipikadong residente sa lungsod na ginanap sa Valenzuela City Amphitheater
Sa kanyang mensahe, binanggit ni ‘Tol’ na matagal ng nakakasa ang pagbibigay ng tulong, subalit dahil sa dami ng nakapilang mga iskedyul kahapon lang nakaroon ng katuparan. “pagpasisyahan nyo na po kung ngayong lang natuloy ang tulong na dapat noon pa.” pahayag ni Sen, Tolentino.
Ibinalita din ni Tolentino sa mga Valenzuelano’s ang bagong batas na “LITAW” o Liwanag, Internet, Tubig, Assistance at Welfare, dahil aniya sa “LITAW” “hindi na po agad-agad na puputulin ang serbisyo ng ilaw, tubig at internit sa panahon na may mga sakunang inabot ang
ating mga kababayan, tulad sunog, (wag naman po tayong masunugan) basta po kalamidad ay hindi po dapat putulan ng mga pangunahing serbisyo na nauugnay sa LITAW, dahil katuwang ng Litaw ang DSWD.” Paglilinaw ni Tol.
Ipinagmalaki din ng Senador ang kanyang nagawang batas na malaki din ang maging tulong sa mga mamamayan lalo na noong panahong ng PANDEMIC ang 3-Gives na bayarin sa Meralco.
Sa panayam ng Media kay “Tol” Kinumpirma ng Senador unti unti ng sumusunod ang mga foreign vessels sa ipinatutupad na batas na maari lamang nilang daanan ang karagatan na nasasakop ng Pilipinas ang nakatakdang Archipelagic Sea Lanes, hindi nga lang aniya sinagot ng Chinese vessels ang Philippine Coast Guard kung saan sila nanggaling at kung saan papunta. (Jimmy Mahusay)
0 Comments