CHRISTMAS TREE, PINAILAWAN SA SUBIC YACHT CLUB SA SUBIC BAY FREEPORT. By : Roel Tarayao

CHRISTMAS TREE, PINAILAWAN SA SUBIC YACHT CLUB SA SUBIC BAY FREEPORT
By : Roel Tarayao 

Upang mas madama ang diwa ng pasko maagang pinailawan ang higanteng christmas tree at belen sa Subic Yacht Club sa Subic Bay Freeport zone. Ang taunang pagpapailaw ng christmas tree na may temang "Christmas Around the World" ay pinangunahan ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman and Administrator Eduardo Aliño, SBMA board of directors at Subic Yacht Club Commodore at SBYC directors. 

Dinaluhan ng ilang mga panauhin at bumisita sa lugar ang maagang pagpapailaw sa 30 feet na christmas tree at ang belen na may mga palamuting naggagandahang disenyo na binalot ng mga kumukuti kutitap na ilaw mga christmas light. 
Tiyak na kagigiliwan ng mapapadaan ang naggagandahang mga pailaw sa mga naglalakihang christmas decorations. Nakakatawag pansin dito at tiyak na kaaliwan si Santa na sa halip na mga reindeer, ay kalabaw ang humihila sa kanyang sinakyang cart. 

Bukas sa publiko ang mga naggagandahang disenyo christmas decors at tiyak ma mag-eenjoy na kasama ang buong pamilya o barkada na magpakuha ng larawan dito.

Post a Comment

0 Comments