PAGSASAAYOS NG MASTER PLAN NG DPWH TINUTUTUKAN PA RIN NI SEN. REVILLA UPANG MAIWASAN ANG PAGBAHA By : Rommel Madrigal
Matapos ang isinagawang pamamahagi ng AICS pay out sa pangunguna ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa mga benipisyaryo na isinagawa sa Barangay Gregorio Cover Court sa Trese Martires City sa lalawigan ng Cavite, na tumanggap ang halos limang libong (5,000) nabahagian ng tulong, at nabigyan ng dalawang libong (2,000) piso ang bawat isa.
Kasabay din ng pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng bagyong Enteng na hindi naging hadlang sa Senador ang kanyang programa na umanoy napapanahon sa panganga-ilangan ng kanyang mga kababayan na tumuloy ang mambabatas para mamahagi ng tulong ayuda kasama ang Agimat Party List.
.
Sa panayam ng mamamahayag kay Senate Committee on Public Works Chairman Senador Ramon Bong Revilla Jr. na patuloy siyang nakatutok at kinakalampag ang Department of Public Works and Hiways (DPWH), Metro Manila Development Authority(MMDA) at ibang ahensya ng gobyerno para sa pagsasaayos ng master plan para maiwasan at mabawasan ang mga pagbaha.
Iginiit ng Senador na hindi dapat na mabahala dahil patuloy ang kanyang pagtutok dito para mabawasan ang mga pagbaha sa lalong madaling panahon.
Dagdag pa ni Revilla na magpapatuloy ang kanilang pag iikot kasabay ang Naging Pilipinas Caravan para tulungan ang mga kababayan kasama sina House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. (ROMMEL MADRIGAL)
0 Comments