Ito ang tiniyak ni Bagong CIDG-director BGen. Nicolas Torre lll na kanya umanong tutugisin kahit pa magtago sa lupa ang mga high ranking criminal sa bansa.
Sa mensahe ng 54-anyos at ika-49 na director ng CIDG, sinabi nito na mahalaga sa trabaho ang "unity" at "teamwork" para matagumpay.
Sa pormal na turn-over ceremony sa Kampo Krame, kinilala ni Torre ang tagumpay ni MGen. Leo Francisco ng pangunahan nito ang operasyon kontra illegal na POGO sa Porac Pampanga.
Bago masungkit ni BGen. Torre lll ang CIDG, ito ang Regional Police Director ng Region-11 sa Davao at umaresto kay KOJC lider Pastor Apollo Quiboloy.
0 Comments