NAKUMPISKA ng pinagsanib na pwersa Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) at pulisya ang truck na punong puno ng mga bato na umano ay pag aari ng lokal na pamahalaan at nagresulta rin sa pagkakaaresto sa driver at helper nito sa Brgy. Concepcion Pinagbakuran, Sariaya Quezon dahil sa kawalan ng permit.
Kinilala ni Quezon police director Col. Ledon Monte ang mga naaresto na sina San Pedro Vito, 51, driver ng truck at Rodelito Ferrer, 48, driver helper, na kapwa residente ng Brgy. Sto. Cristo.
Ayon kay Monte naharang ang mga suspek ng pinagsabib na pwersa ng PMRB sa ilalim ni Engr. Rommel Sarmiento, Quezon Provincial Office at Sariaya police station sa ilalim ni Lt. Col. Carlo Caceres habang binibyahe ang 18 cubic meter na mga bato.
Nang kwestyunin ang mga suspek, sinabi nila na itatambak ang mga bato sa Brgy Samlaloc 2 kung saan itinatayo ang bagong gusali ng Sariaya, subalit bigo silang makapagpakita ng permit sa mga otoridad.
Palusot umano ng driver na ang kargang bato ay para sa proyekto ng Mayor.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Executive Order no. 20 series of 2024 na inisyu ni Quezon Governor Angelina Tan noong April 29, na nagdeklara ng Moratorium sa Quarry Operations sa Municipalidad ng of Sariaya.
Sa ilalim ng naturang kautusan, magkaroon ng moratorium sa lahat ng quarry operations sa Sariaya upamg biguang Daan ang komprehensibong pag aaral na gagawin ng provincial government ng Quezon sa pakikipagkonsultasyon sa department of environment ang natural resources.
Sa ilalim ng kautusan, lahat ng quarry permit na inisyu ng provincial government ng Quezon sa pamamagitan ng PMRB sa Sariaya ay pansamantalang suspendido , kaya walang inisyu na permit para dito.
Ang paglabag sa kautusan ay maaaring magresulta sa permanenteng pag bawi sa quarry permit .
Ayon sa PMRB Jed na si Sarmiento, ang kautusan ng gobernador ay bilang tugon sa naunang apela ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta na nag lunsad pa ng signature campaign laban sa quarry operations sa kanyang bayan.
Bilang tugon ng gobernadora sa apela ni Gayeta, kaagad itong nag isyu ng suspensyon sa lahat ng quarry operations sa nasabing bayan sa pamamagitan ng pag iisyu ng moratorium.
Samantala, nagpalala naman si Sarmiento sa publiko na kanselado na ang lahat nang inisyu na permit ng PMRB sa Sariaya dahil sa moratorium at hindi excuse kung ang hinukay na bato ay gamitin sa munisipyo ng Sariaya.(FELIX TAMBONGCO)
0 Comments