Narekober ng mga tauhan ng Lian Municipal Police Station ang isang selyadong plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang 1,000 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng humigit-kumulang PHP 6,800,000.00, sa baybayin ng Sitio Ligtasin, Brgy. Lauyahan, Lian, Batangas.
Batay sa ulat, nadiskubre ng isang lalaking residente ng Sitio Ligtasin, na kilala sa alyas na "Marlon," miyembro ng Lian Municipal Police Station Barangay Intelligence Network, ang isang selyadong kulay abong plastic bag na may mga Chinese character sa Barangay Lauyahan, ng nasabing bayan sa Batangas, at agad na inireport ang pinagsususpetsahang, droga sa Lian Municipal Police Station.
Nang matanggap ang impormasyon, agad na tumungo sa lugar ang mga tauhan ng Lian Municipal Police Station sa pangunguna Ni Pmaj Ferdinand B Vergara, COP para i-verify ang ulat, at lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang nasabing selyadong plastic bag ay naglalaman ng puting crystalline substance na may tinatayang timbang na 1000 gramo.
Pinuri ni PBGen Paul Kenneth T Lucas ang pakikipagtulungan ng mga concerned citizen sa pag-uulat ng insidente. Inatasan din niya ang mga tauhan ng Lian MPS na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa pagkakatuklas ng malaking dami ng iligal na droga sa bayan ng Lian, Batangas.
“Una sa lahat ay nais nyang pasalamatan ang mga kababayan lalo na ang mga concerned citizen na miyembro sa Barangay Intelligence Network na hindi nag-atubiling ireport ang nadiskubreng malaking halaga ng hinihinalang iligal na droga.
Ayon kay RD Lucas, patunay umano na ang intelligence gathering at patuloy na pakikipagkapwa sa mga kababayan ay may magandang epekto at malaking tulong sa kampanya laban sa iligal na kalakaran ng droga sa buong rehiyon.,”
Dagdag pa, ay hinimok ni Lucas ang publiko na agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na kanilang naobserbahan sa pulisya upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. “
Samantala, nakipag-ugnayan na ang mga tauhan ng Lian MPS sa PDEA Batangas para sa tamang disposisyon at imbentaryo ng mga narekober na ebidensya ng droga.(ROMMEL MADRIGAL)
0 Comments