COA TAPAT SA MANDATO NA PANGALAGAAN ANG CONFIDENTIAL FUND INFORMATION

COA TAPAT SA MANDATO NA PANGALAGAAN ANG CONFIDENTIAL FUND INFORMATION 

MATATAG ang naging paninindigan ng Commission on Audit na ipatupad ang kanilang mandato na mapangalagaan ang kredibilidad ng nga records sa kanilang tanggapan nanitinuturing na confidential.

Sa nangyaring pagdinig ng House Appropriations committee sa House of Representatives of the Philippines y Co sa may 13.5 Bilyon 2025 budget ng Commission on Audit, inusisa ni Deputy Minority Leader France Castro ang ahensya hinggil sa COA report ng Office of the Vice President.

Sa naturang pagdinig kinuwestyon ni Rep.France Castro ang P125M confidential fund ng Office of the President noong 2022 ganun Dinng 150 Million na confidential fund ng Deped noong 2023,  at ang 500 Million confidential fund ng OVP.

Ayon Kay COA Chairperson Gamaliel Asis Cordoba ang lahat ng mga inuusisa ni Rep. Castro ay may liquidation na at audit action subalit pawang confidential at hindi pwedeng ireveal.

Kaya ngat nagmosyon si Rep. Castro  isyuhan ng Subphoena Ducestecum ang commisiion on Audit.

Tugon naman  ni Vice Chair Stella Quimbo, sakali at matapos ang budget briefing, kanilang ieentertain  ang mosyon ni Castro sa whole committee.

Sa panig ni COA Chairperson Gamalirel Cordoba, sinabi nito na hihintayin nila ang subphoena at Pag -aaralan  batay sa subphoena na ipapadala ng komite.

Una na ring nagmosyon si Gabriela Rep. Arlene Brosas na idefer ang budget ng COA, dakong huli tinerminate din ng komite ang pagtalakay sa 2025 COA budget.

Samantala, inaasahan na muling uusisain ang isyu ng Depd at OVP intelligence sa nakatakdang briefing ng OVP budget sa darating na Agosto 27.(Felix Tambongco)

Post a Comment

0 Comments