NAGKAKAGIRIAN SA NAKAAMBANG DEMOLISYON, SA TAYTAY RIZAL, By : Felix Tambongco
NAGKAKAROON ngayon ng matinding tension sa Sitio Siwang, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal dahil sa naka ambang demolisyon sa kabahayan ng mga miyembro ng Nagkakaisang Samahan ng mga Muslim, Ktistyano Livelihood Incorporated at sa pagitan ng Taytay Urban Poor office ng Taytay Rizal.
Nakaantabay ang mga kagawad ng Taytay Philippine National Police sa pamumuno ni Pol LtCol. Gaylor Pagala, mga kagawad ng BFP at iba pang peace keeping force dahil tumatanggi ang mga residente na ipademplish ang kanilang mga bahay.
Paninindigan ng mga residente, ipaglalaban nila hanggang sa hili ang kanilang mga kabahayan na kanilang pinaghirapan para maipatayo.
Hinahanapan din ng mga residente ng Court Order ang pamahalaang bayan ng Taytay Rizal.
Maging si Taytay Rizal Mayor ay nagtungo rin sa lugar upang mamagitan. (FELIX TAMBONGCO)
0 Comments