KARAGDAGANG 1,500 PUNO SA MOISES PADILLA NAITANIM SA PAMUMUNO NI VP SARA DUTERTE
Umabot sa 1,500 fruit bearing trees ang naitanim ng Office of the Vice President (OVP) sa muling isinagawa na Tree Planting activity sa Barangay Inolingan, Moises Padilla, Negros Occidental nitong August 3.
Sa pamamagitan ng OVP - Panay and Negros Islands Satellite Office, iba’t ibang klase ng puno tulad ng Malberry, Trichantera, at Rambutan ang naitinanim sa lugar.
Kasama ng OVP sa aktibidad na ito ang Mayor's Office staff, Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Agriculture at Barangay Officials ng Barangay Inolingan.
Ito ang pangatlong pagkakataon ng Office of the Vice President na makapaglunsad ng tree planting activity sa Moises Padilla.
Ang aktibidad ay bahagi ng PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign ng OVP naglalayon na makapagtanim ng isang milyong puno hanggang 2028. (COURTESY OF VPSD)
0 Comments