254 BENEPISYARYO NG TUPAD SA BAYAN NG BARAS AT JALA-JALA, NAGPAABOT NG PASASALAMAT KAY SENATOR TOLENTINO.
By : Felix Tambongco
BARAS RIZAL- UMABOT sa 254 Rizaleño ang pinagkalooban ng tig P5,200 cash assistance sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantage - Displaced Workers (TUPAD) program.
Ang naturang pondo na may kabuuang 1.5 million ay nagmula sa tanggapan no Senator Francis Tolentino sa inisyatiba ni Rizal 2 nd District Representatives Emigdio Dino Tanjuatco III.
Sa bilang na ito 200 ang nagmula sa Barangay San Salvador Baras Rizal habang ang 54 ay mula sa bayan ng JalaJala.
Sa mensahe ni Senator Francis Tolentino na binasa ng kanyang kinatawan ni Tagaytay Councilor Michael Miko Tolentino,
Nagpaabot ito ng pasasalamat Kay Cong Dino, layunin na naipamahagi ang tulong ng pamahalaan para sa tupad.
Nanawagan din ang senador ng pagkakaisa, hindi lamang ng mga Rizalenyo kundi sa lahat ng mga mamaya.
Samantala, sa PAHAYAG ni Baras Rizal Mayor, Willy Robles, abut abot din ang kanyang pasasalamat sa tuling ng senador hindi lamang sa pagpapaabot ng programa ng pamahalaan, kundi lalot higit sa tiling na ginawa ng Senador sa DAGDAG na kaalaman at impormasyon kung paano nabuo ang bayan ng Baras.
Nagpaabot din ng kanilang pasasalamat ang mga benepisyaryo ng programa sa mga taong nasa likuran biyaya na kanilang natanggap.
Samantala.pinaalalahanan naman ng kinatawanng DOLE na si Victoria Natanauan na buung buo na matanggap sa pamamagitan ng Palawan express, ang pay-out walang hatian (FELIX TAMBONGCO)
0 Comments