By : Felix Tambongco
NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code ng Isang dating empleyado ng City hall at miyembro ng Citizens Crime Watch si Pasig City Mayor Vico Sotto sa umanoy paglabag sa Omnibus Election Code o vote buying sa COMELEC Commission on Elections.
Sa Isang Press Conference sinabi ng complainant na si Victor Baral na nalaman niya na mayroong nangyaring kati alian at bilang Isang mabuting mamamayan, minarapat Niya na magharap ng reklamo.
Sa naturang Press Conference, sinabi ni Atty Ferdinand Topacio na hindi pa siya involved sa sinumang politician at sa anumang election
Paliwanag ni Topacio na siya ang national chairman Citizens Crime Watch (CCW) at wala siyang relasyon sa sinumang pulitiko sa Pasig City at maging ang kanilang mga chapter ay hindi nag eendorso ng kahit sinong kandidato.
Inirereklamo ni Victor Baral, si Sotto dahil sa vote buying dahil sa ginawa nitong pamamahagi ng scholarship allowance noong May 7, 2025 sa Tanghalang Pasigueno.
Paliwanag ni Topacio ang nilalaman ng batas na Bawal ang pamamahagi ng ayuda 10 araw bago ang eleksyon, Mali an na lamang kung ito ay exempted katulad ng Burial at medical dahil hindi mo alam kung kelan ka mamamatay. Kung kelan ka magkakasakit.
"Hindi saklaw ng exemption ang pamimigay ng student scholarship allowance ng city government na due noong Enero pa. Programmed na alam mo ng due since January,.
Kinuwestyon din nito kung bakit lump sum mo binigay within the 10-day. namigay ng allowance na under the law, makaimpluwensya directly or indirectly sa kandidato.
Sinabi rin nito na hindi niya sinasabi na guilty na si Mayor Vico. entitled naman daw ito sa due process. Maghain na lang ng reklamo sa Comelec.
0 Comments