NAGBENTA NG ARMAS SA CALAUAN LAGUNA TIMBOG MATAPOS MABENTAHAN ANG PARAK By : Rommel Madrigal

NAGBENTA NG ARMAS SA CALAUAN LAGUNA TIMBOG MATAPOS MABENTAHAN ANG PARAK
 

By : Rommel Madrigal 
Naaresto ng mga police sa Calauan Laguna ang isang umanoy nagbenta ng iligal na armas sa isang operatiba na nagsilbing police pusheur buyer. 
Kinilala ang suspek na si alyas Rico, 59 na taong gulang at residente rin ng Purok Silangan, Brgy Dayap ng nasabing bayan sa Laguna.
Batay sa ulat ni Calauan Police Chief OIC , PltCol Jojo Sabeniano, pasado ika apat ng hapon, nagsagawa ang mga tauhan ng Calauan Municipal Police Station ng operasyon laban sa mga loose firearms, na humantong sa pagkakaaresto sa nabanggit na suspek. 

Inaresto si alyas Rico  kaugnay sa paglabag sa RA 10591  at maging sa Comelec Resolution 11067 (Gun Ban) na kung saan  nakuha sa kanyang pag-iingat ang Caliber .38 Pistol at ilang bala, matapos ibenta sa isang pulis na nagsisilbing poseur-buyer kapalit ng Php 3,500.00 na buy-bust money. 

Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calauan MPS para sa documentation at inquest proceedings.

Post a Comment

0 Comments