SEN.”TOL” TOLENTINO, NAGPAHAYAG NG PAGKABAHALA SA NAKUHANG “DRONE ’ SA KARAGATAN NG PASCUAL, MASBATE SA PANAYAM NG MEDIA SA KANYANG KAARAWAN NA IPINAGDIWANG SA CALOOCAN CITY
Ni: JIMMY MAHUSAY
HAPPY BIRTHDAY Sen. “Tol” Tolentino, ito ang mainit na pagbati ng mga kawani ng Barangay 176- A North Caloocan sa pagdating ni Majority Floor Leader Senator Francis ‘Tol’ Tolentino na piniling doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang boodle fight.
Bago sinimulan ang boodle fight, isang mainit na mensaheng pagtanggap ang pagbati ni Punong Barangay Joel Bacolod at ipinagmalaki ito sa mga kawani at mga bisita ng Barangay 176-A na maswerteng napili ng Senador ang kanilang Barangay para doon ipagdiwang ang kanyang kaarawan.
Pinasalamatan ng Senador ang mga pagbati at papuri at sa kanyang mensahe, malugod na ibinalita ni ‘Tol’ ang kanyang bagong iniakdang batas na, ”LITAW” na ang ibig sabihin ‘Liwanag, Internet, Tubig, Assistance at Welfare’.
Ayon sa kanya, sa panahon ng kalamidad, hindi dapat mabahala at mag- alala ang mga mamamayan dahil sa ilalim ng “LITAW”, bawal maputulan ng ilaw, internet, tubig dahil may assistance na sasagot para lunasan ang problema..
Paliwanag pa ni Tol Tolentino, ito ay babalikatin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sisimulan ngayong January 2025.
Matatandaang si Tolentino din ang may akda sa ginawang 4- gives sa pagbabayad ng kuryente noong panahon ng pandemya.
Sa panayam ng media kay Tol kaugnay sa nakuhang drone ng isang mangingisda sa karagatan ng San Pascual, Masbate, “kaya ngayon ay iniiksamin na ang drone kung ano ang nilalaman noon at kung saan nanggaling,” “nababahala din po tayo, mawalang galang na sa supreme court na naglabas ng desisyon noong nakaraang mga linggo na pinahintulutan ang mga commercial vessels na lumapit sa Municipals waters. Ang pinanggalingan ng drone na ito ay isang Comercial Vessels at inilatag sa dagat, natatakot ako doon kasi baka gamitin sa isang bagay na makakadungis sa ating national security, lalung lalo na yong dalampasigan na mga lugar na matatao at malapit sa ating mga military estalishement. Sen. Tol Said…
0 Comments