MAGSASAKA NG BRGY. MAHIPON CAVINTI LAGUNA, NAGPAPASAKLOLO NA KAY PBBM SA KANILANG PANINIRAHAN AT PAGSASAKA.
BY : Jimmy.Mahusay
NANANAWAGAN na ang mga magsasaka ng Sitio Bato Barangay Mahipon, Cavinti Laguna kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan sila na mapasakanila na ang kanilang lupang sinasaka sa matagal ng panahon.
Ang mahigit sa Isandaang magsasaka na matagal ng nagbubungkal ng lupa na sumasaklaw sa higit 130 ektaryang lupain na bahagi ng mahigit Isanlibong ektarya na nasasakupan ng Presidential Proclamation 1579 noong 1976 na nagdedeklara sa ilang bahagi ng Caliraya Lumot Rivers Forest Reserve na open from disposition para sa agricultural purposes sa ilalim ng Public Land Act.
Noong 1984, nagpasa ang lokal na pamahalaan ng Cavinti Laguna ng Local ordinance- 23-A- 84 na nagdedeklara sa naturang lugar bilang Eco tourism zone, kahit umanoy walang naganap na konsultasyon sa mga magsasaka sa lugar.
Lalo pang ikinagulat ng mga magsasaka matapos na umanoy sakupin ng Atlanta Land Resort ang lupaing binubungkal ng mga magsasaka.
Ilang insidente na rin umano ng karahasan ang naranasan ng mga magsasaka mula sa mga security guard ng Atlanta.
Ilang beses na rin umanong lumapit sa Barangay, sa Municipal Mayor, sa DA at sa Department of Agrarian Reform ang mga magsasaka subalit pinagtuturuturuan lamang ng mga naturang ahensya.
(JIMMY MAHUSAY)
0 Comments