By : Jimmy Mahusay
SINAMPAHAN na ng kasong double murder ang apat na suspek na pumaslang kay Bulacan ABC President Ramil Capistrano at kanyang Driver sa Malolos City Prosecutors Office kahapon October 14. 2024.
Kinilala ni PCOL SATUR L. EDIONG, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office ang mga suspek na sina P/Staff Seargent Ulysses Fernan Castro Pascual aktibong police na nakatalaga sa kampo crame, Cezar Mayoralgo Gallardo Jr, at dalawang may alyas na Lupin at Jeff.
Ayon pa kay Ediong, nasa kanilang kustodiya ang dalawang testigo at mga ibat-ibang ebidensiya kaya natukoy ang sasakyan at pagkakakilanlan ng mga suspek na pawang mga taga-Navotas.
Nangako din si Vice Gobernador Alexis C. Castro na bibigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ng kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan na walang awang pinagbabaril ng apat na suspek.
“handa kaming tumulong sa lahat ng paraan para mahuli yon atin pong mga suspek at nag-utos dito, eh mahuli rin po natin, so lahat ng pwede po naming gawin, in behalf ng sangguniaang lalawigan ay tutulong kami sa lahat ng paraan ng kapulisan at Governor Fernado sa kaso”. Castro said.
Kaugnay nito, naglabas ng pabuya ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gov. Fernando ng halagang kalahating milyong piso sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon at makakapagturo sa mga suspek.
Nagpasalamat naman ang pamilya ng mga pinaslang sa ibinibigay na suporta at tulong ni Gobernador Fernando para makamit nila ang hustisya.
Matatandaang tinambangan ng mga suspek at pinagbabaril si Bokal Capistrano at drayber nito habang sakay ng Mitsubishi Montero nitong October 3 ng hapon sa Brgy. Ligas, Lungsod ng Malolos matapos dumalo sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan sa Kapitolyo ng Bulacan. (Jimmy Mahusay)
0 Comments