By ; Felix Tambongco
NAGPAHAYAG ng kagalakan ang mga participant sa pagdalo ni Senator Maria Imelda Josefa Imee Marcos aa ginanap na 19th Southern Tagalog Cooperative congress sa Lungsod ng Antipolo kahapon.
Sa isang press conference na ginanap sa Ynares Event Center ni Senator Imee na dapat ng amyendahan ang Cooperative Development Act dahil marami ng kailangang baguhin sa kasalukuyang batas.
Ito umano ay magpapalakas ng multi bilyong pisong cooperative hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa pamamagitan ng inamyendahang batas.
Dapat din umanong payagan ang mga dayuhang kooperatiba na nakipag-ugnayan sa kooperatiba sa Pilipinas para sa mas dinamikong kooperatiba sa pamamagitan ng Regional cooperative.
Samantala, kabilang sa nakiisa sa pagdiriwang ng 19th Southern Tagalog Cooperative congress ay sina Antipolo City Mayor Junjun Ynares , Rizal Governor Ninna Ynares at Vice Governor Junnrey San Juan
0 Comments