PARA MAGING ISANG TULAD NI CARLOS YULO, DISPLINA NAKIKITA NI SEN TOLENTINO NA DAPAT TULARAN! By Rommel Madrigal
GENERAL MARIANO ALVAREZ, Cavite- Disiplina ang kinakailangan na matutunan ng mga kabataan upang maging matagumpay sa buhay tulad ng naranasan ni 2024 Paris Olympics double gold medal gymnastics athletes Carlos Yulo, ayon sa paniniwala si Senate Majority Leader Francis Tolentino.
Mismong si Carlos Yulo ang nagsabi na kailangan ng tiyaga at higit sa lahat ay displina sa maraming pagsubok na darating sa buhay hanggang sa makamit ang tagumpay.
Sinabi ni Tolentino hindi madali ang pinagdaanan ni Yulo bago niya nakamit ang tugatog ng tagumpay na kanyang kinalalagyan ngayon.
Tulad aniya ng kanyang ginagawa ngayon sa mga patimpalak sa palakasan tulad ng ROTC Games na lahat ng kalahok dito ay displinado dahil sila ay dumaan sa mga trainings bilang ROTC kung papaano maging lider at disiplinado sa lahat ng kanilang magiging desisyon sa buhay.
Dahil nga sa displinado ang lahat ng kalahok sa ROTC Games kumpiyansa si Tolentino na maraming kabataan mula rito magiging katulad ni Yulo ang magiging kampeon sa larangan ng sports sa darating na panahon.
Ginawa ni Tolentino ang pahayag sa kanyang pagdalo sa pamamahagi ng SUV kay Yulo ng isang kumpanya ng sasakyan sa GMA Cavite,bilang bahagi ng kanyang pa premyo sa pagkapanalo ng double gold medal sa katatapos na 2024 Paris Olympics. (ROMMEL MADRIGAL)
0 Comments