PAMILYA KO PARTYLIST HUMATAW SA RESEARCH SURVEYs, NUMERO GUMAGANDA. By : Jimmy Mahusay

PAMILYA KO PARTYLIST HUMATAW SA RESEARCH SURVEYs, NUMERO GUMAGANDA.

By : Jimmy Mahusay 
GUMAGANDA ang numero sa “RESEARCH SURVEYs” na nagpapakita ng “winning circle” ng Pamilya ko Partylist (PKP) #150 at walang plano ang grupong ito na magpakakampante sa pangangampanya lalo”t painit na ng painit ang nalalapit na halalan.
Kaya naman todo parin ang ginagawang pagsuyod ng PKP sa iba’t ibang lugar, sa ginawang pag-iikot ng Pamilya ko sa palengke ng Malolos sa Bagong Bario Caloocan City mainit ang pagtanggap sa grupo, may mga nagpa-“selfie” pa kay Ist Nominee Atty. Arnel Diaz.
May mga nagpaabot din ng kanilang concern na mga senior citizen kaugnay sa kanilang “social pension” na yon lang ang kanilang inaasahan, dahil tila napababayaan na umano, kaya naman isa pa rin yan sa tinitingnan ni Atty, Diaz na matugunan bilang isang Pamilya.

Ayon kay Atty. Anel Diaz, ang 1st nominee ng PKP, lalung pinasigla ng resulta ng mga surveys ang kanilang grupo kaya’t puspusan na ang ginagawa nilang pangangampanya lalu na sa nalalabing tatlong linggo na lamang, pagkaraan ng Semana Santa.
“Dapat, mas lalu tayong mag-double time kasi pag gumanda ang numbers natin, ang next stage niyan, para matiyak natin na yan na hindi bababa, dapat ang trajectory natin ay paakyat so in fact nakakadagdag ng pressure pa yun,” dagdag pa niya.


Sa ngayon aniya, nakapag-ikot na sila sa 15-probinsiya sa Luzon, Visayas, at Mindanao bagama’t matapos aniya ang Semana Santa, muli nilang susuyurin ang mga malalaking lalawigan sa Mindanao.
Nagpasalamat din ang PKP sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga lokal na opisyal ng mga napuntahan nilang mga bayan at lungsod sa iba’t-ibang rehiyon bagama’t hindi nila inaasahan na makukuha ang buong suporta ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan lalu na’t may mga regional partylist na tumatakbo sa kani-kanilang lugar.


Patuloy naman na ipinagwawagwagan ng Pamilya ko Partylist ang kanilang PLATAPORMA, Una, maging pantay ang mga karapatan ng lahat ng mga anak, lehitimo man o hindi, bigyan proteksyon at mga karapatan ang pagsasama ng mga live-in at LGBTQIA+couples, Magkaroon ng Legal na polisiya at kaparaanan ang “Surrogacy” sa bansa upang ito ay maging lehitimong opsyon sa mga nais magka-anak at masugpo ang “exploitation” ng ilang kababaihan, Palawakin ang suportang ibinibigay sa mga OFW families, Solo Parents pati na rin sa mga asawang iniwanan at mga pamilyang pinamumunuan ng mga Erderly sa pamamagitan ng mga programang PANGKABUHAYAN, serbisyong PANGKALUSUGAN at FOOD SECURITY. (Jimmy Mahusay)

Post a Comment

0 Comments