WALANG MINING O QUARRY SA MARIKINA WATERSHED, AYON KAY PALAWANREP. JOSE ALVAREZBy : Felix Tambongco

WALANG MINING O QUARRY SA MARIKINA WATERSHED, AYON KAY PALAWANREP. JOSE ALVAREZ

By : Felix Tambongco 

SA PLENARY DEBATE ng 2025 budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa House of Representatives of the Philippines, nilinaw ni Palawan 2nd District Rep. Jose C. Alvarez ang sponsor ng panukala na walang mining o quarry operation sa Marikina Watershed o Upper Marikina River Basin Protected Lanscape.

Tugon ito sa alegasyon ni Gabriela Representative Arlene Brosas na may quarry sa protected area na siyang dahilan ng pagbaha sa Rizal at ilang bahagi ng Metro Manila lalo na ang Marikina.

Ayon Kay Alvarez, bagamat may 24 na MPSA sa Rizal subalit wala ang mga ito sa protected area.

Paglilinaw pa ni Alvarez na hindi ang mining o quarrying ang pangunahing sanhi ng pagbaha kundi ang napakalakas na volume ng tubig ulan na ibinuhos ng ilang araw na katumbas na ng Isang buwan na pag-ulan.

Idinagdag pa nito na malaking aspeto rin ang pagggawa ng mga sementadong kalsada at development, at sa halip na mapigilan ng lupa ang tubig ay dirediretso ang pagdaloy nito sa.mga sementadong lugar na direktang bumababa sa mga daanang tubig at mababang lugar.

Samantala, pansantalang ipinagpaliban ang pagdinig sa budget ng DENR matapos na hindi nito makumbinse si Deputy Minority Leader Presley De Jesus sa kanilang mga paliwanag lalo na sa isyu ng Wawa JVCo.

Post a Comment

0 Comments