By : Felix Tambongco
TAMANG pagpaplano at maayos na paggastos ang itinuturong dahilan sa mabilis na development na government center sa Cainta Rizal.
Ayon Kay dating Cainta Mayor turn Municipal Administrator Kit Nieto, ang taunang Pondo ng pamahalaang bayan ay P2.3 Bilyon maliit kumpara Sabi ang mga Lungsod.
Ang kanilang 20 percent Development Fund nito ay na streamline nila at naioutlook for 3 years kaya nakapagpatayo sila ng mga gusali ng hindi nangungutang.
Kung mangutang man umano ay para sa procurement ng lupa na pagtatayuan ng mga gusali.
Katunayan, unang termino pa lamang niya bilang Mayor ng Cainta, sinikap nilang maipatayo ang justice hall, bilang Isang Lawyer practitioner, nauunawaan umano niya ang pangangailangan at hirap ng kanyang mga kababayan para lamang makadalo sa pagdinig ng kanilang mga kaso sa Ibang bayan.
Shoulder umano ng pamahalaang Bayan ang pagpapatayo ng building, habang ang mga personnel ay inihingi nila ng tulong sa DOJ.
Samantala, dahil sa maayos na paggamit ng 20 percent development fund, kasalukuyang under construction na ang 3 pang palapag na gusali para sa women's and children na ang Ikalawang palapag ay magsisilbi naman na convention center.
0 Comments