By : Felix Tambongco
Hindi sumipot si Vice President Sarah Duterte sa pagdinig ng house appropriations committee sa 2025 budget ng ovp, manapay nagpadala ito ng bisang liham na nagsasaad na isinumite na Niya ang kumpletong detalye ng panukalang budget at ipinauubaya na niya ang desisyon sa komite.
Subalit sa Kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ng mga miyembro ng komite ang pagbabato ng mga katanungan na nakapatungkol na para sana sa bise presidente na ipinupukol naman ang tanong sa mga opisyal ng commission on audit. Kaya ngat ang pagdinig sana sa panukalang badyet ay nagmistulang bisang paglilitis of imbestigasyon.
Sa nasabing pahdinig, kinuwestyon ni Rep. Rodante Marcoleta ang kinatawan ng COA kung sumagot na ba si Vice President Sarah Duterte sa Notice of Disallowance na inisyu sa tanggapan nito.
Malinaw ang naging sagot ng COA na wala pang sagot ang bise presidente, kaya ngat iginiit ni Marcoleta na bakit pilit na ipinupukol ang mga katanungan ganung wala pa palang sagot ang bise presidente.
Para Kay Marcoleta, premature at hindi nararapat ang pagtatanong dahil wala pa namang sagot o paliwanag ang bise presidente. Anim na buwan ang takdang panahon upang masagot ng Ikalawang pangulo ang notice.
Sa unang bahagi pa lamang ng pagdinig ng komite,iginiit na ni Marcoleta ang parliamentary courtesy at ang matagal ng nakagawian sa Kamara na kapag ang budget ng presidente o bise presidente ang isasalang, hindi na kinakailangan ang mga ganung pag-uusisa.
Hindi naman nanaig si Marcoleta sa kanyang posisyon matapos na magkaroon ng division of the house at botohan. Muli, na defer ang termination ng OVP budget sa komite.
0 Comments